Una sa Balita

Nanay ni Juday may talak kay Mommy Divine

0 633

Sa radio program ni Noel Ferrer noong Sabado ay naging guest niya si Mommy Carol Santos, ang nanay ni Judy Ann Santos.

At siyempre, natanong si Mommy Carol tungkol sa pinagdaanan nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, at Mommy Divine.

At nahingian nga ng mensahe si Mommy Carol ni Noel. At heto nga ang chika niya.

“At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi ‘yong kaligayahan mo. Kasi ikaw, paalis ka na sa mundo.

“Itong mga anak mo, paumpisa pa lang, so you always wish them the best na mangyayari sa buhay nila.

“At matuwa ka na nandiyan ka pa, nakita mong masaya na ang anak mo, right?

“Dapat talaga may support ka sa anak mo.

“Kahit nga ayaw mo ang mapapangasawa ng anak mo, the mere fact na gusto ng anak mo ‘yon, wala kang magagawa.”

Well, tagos sa puso nga ang mensaheng ito ni Mommy Carol kay Mommy Divine, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More