Una sa Balita

Nanay ni Boy Abunda pumanaw na

0 449

Kakakausap lang namin kay Boy Abunda last Friday para sa bago niyang endorsement, at ramdam namin ang kaligayahan sa kanyang mukha. Kunsabagay, sino ba ang hindi matutuwa kung pagkatiwalaan ka ng isang malaking kompanya?

Aba, endorser nga kasi si Kuya Boy ng AMA Online Education – Graduate School, ha! So, bonggang achievement nga ito para sa kanya, na ini-encourage nga niya ang maraming taga-showbiz na ituloy ang pag-aaral kahit sa pamamagitan ng online man lang.

Anyway, napag-usapan din ang tungkol sa paggamit sa kanya ng ‘bitcoin’.

“It’s not true! I’m not familiar with bitcoin. Kasi parang sa article parang ang yaman-yaman ko raw.

“I work hard for the money. I continue to work hard.

“I don’t know?” sabi ni Boy.

Ipinadala na nga ni Kuya Boy ang mga artikulong lumabas tungkol sa kanya na diumano ay yumaman siya nang husto dahil sa bitcoin.

“Hindi ko alam kung paano mag-behave. Pero right now, tinanong mo sa akin, at sinasabi ko na nga, hindi totoo ‘yon, hindi ako familiar sa bitcoin. Wala akong business na may kinalaman sa bitcoin. Wala akong kamuwang-muwang,” sabi pa ni Kuya Boy.

Siyanga pala, kahapon din ay nabasa ko ang taos-pusong pakikiramay ng mga kaibigan ni Kuya Boy sa pagpanaw ng kanyang ina, si Nanay Lesing.

“I will never ever forget that during her heyday, she makes me special salad on my birthday. I’ve been missing you nanay since the day I’m not going anymore at sir boy’s house. Rest in peace Nanay Lesing,” sabi ng isang taong malapit kay Nanay Lesing.

Si Nanay Lesing ay pinanganak nu’ng January 1, 1929. Pumanaw siya nitong December 1, 2019.

Ang aming taos pusong pakikiramay sa Abunda family. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More