Una sa Balita

Nanay ni Ate Vi pumanaw na

0 817

abante-i-know-better-jun-nardoNamatay na ang ina ni Congresswoman Vilma Santos-Recto, at lola ni Luis Manzano, si Milagros Santos.

Kumalat ang malungkot na balita nu’ng Lunes ng hapon sa social media nang i-post ni Luis sa Facebook page niya ang lumang picture ng kanyang Mama Ganda (tawag ni Luis sa lola niya) nu’ng bata pa siya kasama ang pamilya Santos.

“RIP Mama Ganda,” caption ni Lucky sa throwback photo.

Nag-text kami kay Ate Vi para makiramay. Hindi na namin tinanong kung ano ang dahilan ng pagyao ng ina. Ang alam namin, alagang-alaga ito ng pamilya lalo na nu’ng nagkaroon ito ng Alzheimer’s.

Tuwing may mahalagang okasyon sa pamilya, umuuwi ang kanyang mga kapatid at pamangkin na nasa Amerika.

Text sa amin ni Congresswoman Recto, sa Loyola Memorial Chapel ang wake simula ngayong araw na ito, Miyerkoles. Bukas naman ang da­ting ng mga kapatid niya sa US.

Ang aming pakikiramay sa Santos family…

Rida bilib sa kabaitan ni Vilma

Naging Regal talent ang kasalukuyang congresswoman ng San Jose del Monte City na si Ate Rida Robes. Nagkrus muli sila ng landas ni Mother Lily sa isang okasyon kamakailan.

Nang tanungin siya ni Mother kung bakit tumigil sa showbiz, pabirong tugon ni Rida, “Naku, Mother, ang tagal ng cheke! Tumawa siya! Ha! Ha! Ha!”
Nakausap ng press si Cong. Rida sa proclamation rally ng team nila ng asawang si Arthur Robes na mayor naman ang tinatakbuhan. Pero nu’ng nasa Kongreso na siya, mga showbiz politicians din ang malapit sa kanya gaya ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.

“‘Pag magkasama kami (Ate Vi) sa isang committee, she’s my chair before sa Civil Service, she has a very good heart also. Siguro ‘yung nanggagaling sa showbiz. Kasi pa nasa national ground ka na, ‘pag galing sa showbiz, mabait, I saw and felt that kay Ate Vi.

“Nag-uusap kami. We were together in 4Ps. ‘Pag nag-uusap kami, lagi niyang nire-refer ‘yung nararamdaman ng tao. She’s also passionate, very passionate,” pahayag ni Cong. Robes.

Marami pang plano ang mag-asawang Robes sa kanilang siyudad lalo na’t on-going na ang construction ng bagong linya ng MRT.

Unlike her husband, aminado si Cong. Rida na chikadora siya!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy