Una sa Balita

Nanay ng aktor, nagwala sa isang network dahil sobrang pagka-insecure!

By
0 2

Hindi na makatiis ang ina ng aktor sa isang network na dismayado talaga sa kung ‘laruin’ ang career ng kanyang anak ng mga namamahala rito. Minsan nga raw ay ‘nagwala’ ito sa pag-aaakalang pinalitan ang kanyang anak sa isang nakapa-importanteng papel in favor ng ibang aktor.

Kahit pa nga raw binigyan naman ito ng isang lead role sa isang soap opera, pero tila uhaw pa rin sa tagumpay ang inang ito.

In fairness, mabait ang kanyang anak na tila hindi naman nagmamadali kung career niya ang pag-uusapan. Enjoy-enjoy lang ito, pero lately ay tila nagsi-seryoso na ito.

Abante Hiring – IT dep

Lalo pa nga raw lumabas ang pagka-Insekurada Sanches ng mader na ito nang tila may isang baguhan naman ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng network na feeling niya ay naba-bypass na ang kanyang anak.

Nakakalokah lang kasi hindi talaga ito makuntento sa dami ng raket ng kanyang dyunakis dahil ang gusto niya ata talaga ay maging superstar ito.

Oh, well. Oh well!

 

Roxanne at Will, ‘tourism consultants’ na sa Bantayan…

Ginawang Tourism consultants ng Sta Fe, Bantayan Island, sa Cebu sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn dahil sa tuwa ng Mayor ng nasabing munisipyo na si Mayor Jose Esgana sa tagumpay ng pelikulang “I Found My Heart In Sta. Fe” na on extended run pa rin hanggang ngayon sa SM Cebu.

Naging isang malaking boost nga sa turismo ng pelikulang ito ng Bantayan Island at ng Sta. Fe mismo dahil sa ganda nang pagkaka-present sa kanilang attractions, kung kaya nagdesisyon ang Municipal Mayor na bigyang halaga rin ang nagawa ng dalawang lead stars.

Sa pagsama namin kina Will at Roxie na nasabing lugar, witness kami kung paano talaga sila nag-immense nang husto sa mga tao.

Walang sitio doon na hindi kakilala nina Will at Roxie ang karamihan dahil ginalugad nila ang mga lugar dooon sa pamamagitan ng motorsiklo kung saan nakasakay sa likod ni Will ang kanyang dyowa.

Malapit sa mga tao ang dalawa na akala mo nga ay mga tagaroon na sila at sila pa mismo ang nakikipagstsikahan sa mga ito.

Plano ni Will na magtayo doon isang fitness gym dahil isa ito sa kanyang mga advocacies.

Sa kabilang banda, si Roxie naman ay gumagawa na ng kanyang mga strategic plans kung paano pa niya maipu-promote ang turismo roon.

Nakatakdang bumalik ang grupo sa taunang Puting Dagat Festival ngayong October 1-3 kung saan ilang water sports ang pangungunahan ni Will at sa Roxie naman ay malaki ang participation sa clean-up drive ng napaka-romantikong lugar na ito.

Bonggacious, devah?