Una sa Balita

NANAY NG AKTOR, MUKHANG PERA!

By
0 117

Natutuwa ang staff ng isang talent search dahil hindi nawawalan ng mga television at movie assignment ang ­aktor na produkto ng programa nila. Hindi nalilimutan ng staff ang kuwento tungkol sa aktor nang sumali ito sa kanilang talent search show.

Saksi ang staff sa sinabi ng ina ng aktor na kapag kumikita na sa showbiz ang kanyang anak, dapat na bayaran nito ang lahat ng mga nagastos nila sa pagsali sa talent search program.

Hindi nawawalan ng mga project ang aktor mula nang matupad ang pangarap niya na maging artista. Masaya para sa aktor ang staff ng programa dahil naniniwala sila na nakabayad na siya sa mga ginastos ng kanyang ina na malaki ang pagpapahalaga sa pera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy