Una sa Balita

Nanay na toxic

0 495

Dear Dra Holmes:
Kamusta po kayo, doktora. Wala po akong problema sa sex, pero sana matulungan pa rin ninyo ako. Lagi ko pong nakikita sa fb ang mga post na “ITS OK TO STAY AWAY FROM TOXIC PEOPLE” Pero papaano po kung yung mga toxic sa iyo ay FAMILY MEMBERS? At paano rin po kung ang kapamilyang ito ay ang mismong ina mo? Ok lang din ba? Sana po matulungan ninyo ako. Respectuflly, IRIS

Dear Iris:
Maraming salamat sa sulat mo. Sana huwag kang mag-alala kung ang iyong sulat ay hindi tungkol sa sex. Masayang-masaya ako kung ang mga sulat sa Walang Bolahan ay hindi lamang tungkol sa sex dahil ganyan naman ang tunay na buhay, diba, Iris? Hindi laging tungkol sa sex o pagsisiping lang.

Maraming beses ang buhay ay tungkol rin sa ating mga kaibigan, mga kaaway at ating sariling mga pamilya. Papaano natin maiintindihan ang ating sarili kung hindi natin pag-aralan ang ating pinanggalingan at ang mga taong nagpalaki sa atin. Maraming mga sikolohista (kasama na ako dun), psychiatrists at ibang mga mental health professionals ang magsasabi na hindi lang mahalaga pag-aralan ang ating relasyon sa ating mga magulang, pero ito ang pinakamahalagang relasyon, sa ating buhay. Dahil sa unang relasyon natin (at para sa marami, ito ang relasyon sa ating ina) ay nakukuha natin ang mga patakaran tungkol sa papaano mabuhay, magmahal, magtrabaho at magpatawad.

In other words, ang relasyon natin sa ating mga magulang ang may pinakamalaki at pinakamatagal na epekto ng ating buhay. Kung sila ay toxic, kailangan putulin ang kahit anong relasyon sa kanila. TO BE CONTINUED.

 Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes
http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy