Una sa Balita

Nanay na toxic (2)

0 335

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes:
Lagi ko pong nakikita sa fb ang mga post na “ITS OK TO STAY AWAY FROM TOXIC PEOPLE” paano rin po kung ang kapamilyang ito ay ang mismong ina mo? Ok lang din ba? IRIS

Dear Iris:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noon nakaraang Lunes, Abril 1, 2019. Doon sinabi ko na, para sa karamihan ng tao, ang kanilang mga magulang ang pinakamahalagang relasyon sa kanilang
buhay.

Ang kahalagahan ng relasyon ay hindi lamang kung maganda ang relasyon. Kahit na kung pangit at masakit — in other words, kahit na kung toxic ‘yung relasyon —mahalaga pa rin itong relasyon. ‘Yan ay dahil ang relayson natin sa ating mga magulang ang siyang nagiging modelo ng lahat ng ating ibang relasyon sa buhay.

Ang solusyon lang rito ay kung natanto mo ito (kagaya ng natanto mo, dearest Iris).

Kung ang nanay mo, halimbawa, ay toxic, ‘yan ang matututunan mo tungkol sa mga relas­yon: na hindi mo mapagkakatiwalaan ang tao. Matututunan mo ‘yan, kahit hindi mo alam na natututunan mo ito (i.e., walang kamalay-malay or unconsciously) dahil kung ‘yung iisang tao na kailangan mag-alaga at magmahal sa iyo ay hindi maasahan, sino pa ang maaasahan mo?
At kadalasan, dahil walang kamalay-malay mo itong natutunan, ang iyong mga kilos sa mga tao — kahit ang mga taong minamahal mo sa buhay — ay maaaring maging katulad ng nanay mo. Katulad hindi sa mga katangian na kaagad mahahalata. Hindi sa mga katangian na mukhang pareho sa labas, pero ang mensahe sa ibang mga tao ay klaro. Gaya ng mga mensaheng nakuha mo sa mga magulang mo. FINAL INSTALLMENT FRIDAY.

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargie­holmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy