Una sa Balita

‘Nanay Kong Kay Ganda’, wanted sa UKG!

0 512

Todo-todo ang pagpupugay sa mga ina ng Umagang Kay Ganda (UKG) sa ika-10 anibesaryo nito ngayong taon.

Sari-saring serbisyo at pakulo ang handog ng programa sa mga ilaw ng tahanan kabilang na ang pagsasadaos ng Nanay Convention, pamimigay ng isang Nanay Manual at isang beauty pageant para sa mga natatanging ina na magsisismula na sa Oktubre.

Unang nagbahagi ng kaalaman sa pangangalaga sa pamilya at tahanan ang UKG sa mahigit isang libong ina sa Nanay Convention sa Pampanga noong Hulyo 3 at magpapatuloy ngayong Biyernes (Agosto 18) sa lungsod ng Taguig.

Nakasama sa unang convention ang Tikim Princess ng UKG na si Gretchen Ho na pinasigla ang mga ina sa isang exercise routine, na sinundan naman ng  mga demo sa pagluluto nina Chef Tatung at Winnie Cordero.

Mayroon ding fashion at beauty tips mula kay Renee Salud at Amy Perez, habang kaalaman sa paghahanda sa kalamidad at emergency ang hatid nina Atom Araullo,  Anthony Taberna, at Jorge Cariño.

Dinala rin ng “UKG” barkada ang sikat na “Di Bati” segment kasama si Ariel Ureta kung saan nagpapalitan ng kuro-kuro ang mga anchor sa isang mainit na isyu sa pamilya o lipunan.

At pinagkaguluhan din ang libreng gupit, facial at masahe para sa mga ina, bukod pa sa mga laro at papremyo.

Sa “Nanay Convention” din inilunsad ng programa sa tulong ng ABS-CBN Publishing Inc. ang “Nanay Manual” na isang libreng booklet na naglalaman ng mga recipe, mga tips sa kusina, at iba pang ideya na makakatulong sa mga nanay.

Bago matapos ang taon, magsisimula na rin ang patimpalak na “Nanay Kong Kay Ganda. Sa tulong ng Nanay Convention, hahanapin ng “UKG” ang mga inang maaaring ilaban sa “Nanay Kong Kay Ganda.”

Layunin ng programa at mga katuwang na organisasyon na lalo pang pagtibayin ang pagtulong at pagsuporta sa mga nanay, na siyang katuwang ng programa sa paghahatid ng liwanag at saya sa bawat pamilyang Pilipino tuwing umaga.

“Ang role namin is to give positivity to a lot of our viewers…So, maganda rin na during commercial breaks nakakapagkamustahan kami sa mga personal naming buhay at pinagdadaanan,” sabi ni Amy Perez.

Kasama ang iba pang hosts ng programa na sina Long Mejia, K Brosas, Marlo Mortel, Dominique Roque, at Tina Marasigan, magpapatuloy ang programa sa paghahatid ng saya at serbisyo publiko sa milyon-milyong Pilipino sa mga susunod pang dekada.

Huwag palampasin ang “Nanay Convention” ng “UKG” ngayong Biyernes (Agosto 18) sa Vista Mall, Taguig City. Magbubukas ang registration ng 5am at magsisimula ang programa ng 9am.

Manood ng “Umagang Kay Ganda”  araw-araw, mula Lunes hanggang Biyernes mula 5am hanggang 7:30am sa ABS-CBN, ABS-CBN HD, at sa DZMM TeleRadyo sa TV at sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. online. Sundan din ang “Umagang Kay Ganda” sa Facebook (@umagangkayganda2) at Twitter (@ukgdos).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy