Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nanay inatake ng depresyon, 2 anak tinaga

0 39

Sugatan ang isang dalaga at kapatid nitong menor de edad matapos silang pagtatagain ng kanilang nanay na inatake ng depresyon sa Batangas Martes ng umaga.

Nagtamo ng taga ang magkapatid na babaeng 18-anyos at isang menor de-edad.

Sa report ng pulisya, alas-7:50 ng umaga, natutulog pa ang magkapatid sa kanilang sala nang bigla na lang silang pagtatagain ng kanilang 42-anyos na ina, gamit ang isang itak.

Agad namang nakasaklolo ang padre de pamilya at naawat ang nanay.

Itinakbo sa ospital ang dalawang bata na parehong tinamaan sa ulo.

Ayon sa mister, na-depressed ang kanyang asawa dahil sa problemang pinansyal muna nang magka pandemya.

Ang mister ay supervisor sa isang kumpanya samantalang Quality Controller naman sa isang electronics company ang misis subalit kapwa naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa COVID crisis. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.