Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nanay apektado: Arci pinupuwersa nang mag-asawa

0 80

Pakiramdam ni Arci Munoz, apektado na rin ang nanay niya sa sitwasyon niya ngayon. Na feel na feel ng nanay niya na napi-pressure siya, o maraming tao ang pumi-pressure sa kanya na mag-boyfriend na, at mag-asawa na, dahil hindi na nga siya bumabata.

Well, marami nga kasing babae na sa edad na 32, o mas bata pa, may asawa at mga anak na. Sa kaso ni Arci, 32 na siya ngayon, pero wala pa ngang dyowa, di ba?

Kunsabagay, nakailang dyowa na rin si Arci, at nagkataon lang na simula noong pandemica, nawalan talaga siya ng karelasyon. Naging biro na nga niya na sabik na siya sa yakap ng isang lalake.

Pakiramdam ni Arci, naawa sa kanya ang nanay niya, dahil na rin sa pinadala nitong mga linya para sa mga babae (1strongwomen).

“Get married after 30 is still beautiful. Starting a family after 35 is still possible. Buying your first house after 40 is still a boss move. Don’t let people rush you with their timelines.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ganiyan nga ang laman ng mensahe, na parang sinasabihan si Arci na okey lang ang sitwasyon niya ngayon, at wag magpadikta sa kagustuhan ng iba.

“Gossshhhh! My mum sending me diz! Mas troubled pa siya sa lavlyf ko!” reaksiyon nga ni Arci.

Feeling ni Arci, mas problemado ang nanay niya sa sitwasyon niya ngayon na wala ngang dyowa.

Well, bakit nga ba kailangang puwersahin, kulitin ng ibang tao si Arci na mag-asawa na? Ang bad niyo, ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.