Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nanalong tiket puwede kubrahin

0 45

KANSELADO ang karera simula pa noong Miyerkoles pero maaring kumubra ng winning tickets sa pakarera ng Manila Jockey Colub Inc. (MJCI).

Naglabas ng anunsiyo ang MJCI sa kanilang Facebook page na maaaring kubrahin ang tama ng mga karerista, magsisimula ito sa Lunes (Enero 17).

“Maaaring kunin ang “winnings” mula sa tanggapan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) simula sa susunod na linggo araw ng Lunes, January 17, 2022,” post ng MJCI sa social media.

Related Posts

Nagdesisyon ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon na pansamantalang itigil ang operasyon sa karerahan upang suportahan ang panawagan ng gobyerno na mag-ingat sa pag-atake muli ng COVID-19.

Bagaman nalungkot ang mga karerista ay nakakuha ng magandang komento ang Philracom dahil ayon sa kanila ay tama ang naging desisyon ng karerahan.

“Para sa kaligtasan ng nakararami ang iniisip ng Philracom kaya good Job!,” saad ni Gelo Gonzales, karerista. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.