Una sa Balita

Nanalong Burgos chairman itinumba

By
0 1,194

PATAY ang bagong halal na barangay chairman ng Burgos, Pangasinan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad sa gate ng kanyang farm ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay kamakalawa.

Kinilala ni Burgos Police Station (BPS) commander Sr. Insp. Jervel Rillorta ang biktima na si Santiago Abella Jr., chairman ng Brgy. Concordia sa nasabing bayan.

Ayon sa BPS, naganap ang insidente alas-5:28 ng madaling araw sa farm ni Abella isang daang metro ang layo mula sa kanyang bahay.

Papasok umano si Abella Jr. sa kanyang farm nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabi itong pinaputukan ng baril sa ulo at katawan.
Agad na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Ayon kay Rillorta, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang BPS hinggil sa insidente.