Una sa Balita

Nanaksak ng kasamahan, binaril ng sekyu

0 263

SUGATAN ang isang factory worker nang barilin ng security guard, makaraang saksakin ng una ang kanyang kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakaratay sa Valenzuela City Medical Center ang suspek na si Rodel S. Mabilin, 41-anyos, stay-in worker sa AYY Plastic Trading na nakabase sa No. 9 Jacinto Street, Canumay West ng nasabing lungsod, dahil sa tama ng bala ng cal. 38 sa pigi.

Ginagamot din sa nasabing pagamutan ang sinaksak ng suspek na si Marlon Benito, 37-anyos, dahil sa malalim na sugat sa kanang kamay.

Base sa ulat ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela Police, bandang alas-10:30 ng umaga, lasing na sinugod ng saksak ni Mabilin si Jeffrey Eglico sa loob ng AYY Plastic Trading, dahil sa kanilang alitan.

Nakatakbo si ­Eglico at pumasok sa loob ng barracks ni Benito na noo’y natutulog at ­nagising.

Inawat ng biktima ang suspek, pero siya naman ang sinaksak nito sa kamay.

Naki-alam na sa gulo ang security guard na si Benjie Igbuhay, ngunit siya naman ang sinugod ni Mabilin para saksakin.

Sa puntong iyon, napilitan ang guwardiya na barilin na ang suspek.

Kinasuhan ng frustrated homicide si Mabilin sa City Prosecutor’s Office.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy