Una sa Balita

Nanakit ng traffic enforcer ikulong habambuhay

0 546

HABAMBUHAY na pagkakulong ang nais ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa driver ng SUV na nanakit sa isang traffic enforcer sa Maynila.

Sa ngayon ay nirerebyu na ni Cong. Yap ang batas na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga taong mananakit o makakapatay sa mga awtoridad na ginagawa lamang sa kanilang trabaho.

Ayon sa mambabatas, hindi lang dapat tanggalan ng lisensiya ang driver, sa halip ay ikulong nang mahabang panahon para magtanda at hindi pamarisan ng iba.

“Hindi lang serious physical injuries o assualt of a person in authority, dapat attempted murder or frustrated murder of a law enforcer ang ikaso sa kanya,” anang bagitong mambabatas.

Nahuli na ang driver ng SUV na si Orlando Ricardo Dizon na ngayon ay nakakulong na sa Manila Police District Station 3 habang ang enforcer na si Adrian Lim ng Manila Traffic and Parking Bureau ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Dizon ay sinita dahil sa traffic violation pero imbes na magpatiket ay pinaharurot nito ang kanyang sasakyan habang nakasabit ang enforcer sa bintana sa driver side ng SUV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy