Una sa Balita

Nanaginip ng numero: Sales rep wagi ng P22M sa lotto

0 484

ISANG sales representative na tinayaan ang napanaginipang numero ang bagong milyonaryo sa Mega Lotto 6/45 matapos mapanalunan ang mahigit sa P22 milyon premyo.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, na ang lalaking bettor na nasa mahigit 50-anyos ay kinubra na ang kanyang napanalunang premyo sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City kahapon.

Ayon sa bagong lotto milyonaryo, nasa 25 taon na umano siyang tumataya ng lotto mula pa noong 1995.

Ang napanalunang numero ay napa­naginipan umano niya subalit nakalimutan na umano niya ito pagkagising niya pero pagpunta niya sa pinapasukang kompanya ay isa-isa umano niya itong naaalala ng pindutin ng mga sakay ng elevator ang mga nasabing numero.

Ang kanyang napanaginipang winning combination ay 19-07-09-06-22-16, na nagbigay sa kanya ng premyong P22,163,563.60 nang ito ay bolahin noong Nobyembre 16, 2019.

Tatlong sunod umanong tinayaan ng masuwerteng mananaya ang nasabing kombinasyon na kanyang napanaginipan.

“Tatlong araw niyang sunod-sunod na tinayaan bago siya manalo sa isang outlet sa Makati City,” saad ni Garma.

Magtatayo umano ng lotto outlet ang masuwerteng mananaya bilang isa sa kanyang investments. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy