Una sa Balita

Namayapang 102-anyos na ex-Valenzuela City councilor binigyang-pugay

By
0 528

Pumanaw na ang dating konsehal sa Valenzuela City sa edad niya na umabot sa 102.

Kasabay sa pagpanaw ni dating konsehal Roberto Anselmo, nagpalabas ng Executive Order No. 2019-001 na nag-aatas na lahat ng bandila sa lungsod ay ilagay sa half-mast base na rin sa Section 27 ng Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines bilang pagluluksa sa pagyao ng dating legislative.

“RA 8491 states that the National Flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on the day of internment of former national or local government officials,” ayon sa kautusan ni Mayor Rex Gatchalian.

Nabatid na pumanaw si Anselmo nitong nakaraang Enero 6 at inilibing kahapon.

Nagsilbi siyang konsehal ng Valenzuela noong ito ay isa pang munisipalidad mula 1964 hanggang 1971.

Sinabi ni Gatchalian na ang paglalagay sa half-mast ng kanilang mga bandila ay tanda rin ng kanilang respeto at pagkilala sa konstribusyon ni Anselmo sa lungsod.

“He lived a fruitful life and reached the age of 102… imagine the things he saw in his lifetime.
He actually lived throughout all the Philippine Presidents,” papuri pa ni Gatchalian kay Anselmo na nagsilbing konsehal nang pag-isahin noon ang Valenzuela at Polo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy