Una sa Balita

Namatay sa Taal pinalibing ng prodyuser-direktor

0 445

Tumulong ang lawyer-producer-director na si Atty. Joji Alonso upang maipalibing ang isang biktima ng Taal volcano eruption.

Problemado na nga sa pagkamatay ng asawa, problemado pa rin sa bayad sa punerarya. Dahil sa ginawa ni Atty. Joji, naipalibing niya ang biktima na si Antonio Baleros.

Tweet ni Atty. Joji, “I read this post and reached out to the personalities involved and the balance amounting to P45,500 has been waived by the funeral homes.

“It’s just a matter of making a request and maayos na pakikipag-usap. May the soul of Antonio Baleros rest is peace.”

Sa ginawa ni Atty., wala nang alalahanin na utang ang Baleros family.

Dyowa ni Khalil pinagkaguluhan sa Taiwan

Hindi akalain ng dyowa ni Khalil Ramos na may mga fan siya sa Taiwan. Nasa Taiwan ngayon ang girlfriend ni Khalil para sa isang special project.

Game naman ang aktres na magpa-picture sa kanila. Matapos makilala ang mga international fans, sinamantala naman niyang pumasyal sa ilang tourist spots doon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More