Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Namatay sa Korea dumami kesa pinanganak

0 106

Dumarami umano ang mga Koreano na nakatuon na sa buhay na walang anak kaya naman nakapagtala ang bansa ng tinatawag na ‘population death cross’.

Sa kauna-kaunahang pagkakataon noong 2020, nalampasan na ng bilang ng namamatay ang bilang ng mga ipinapanganak sa South Korea.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa ulat sa Korea Herald, umabot sa 51.83 milyon ang populasyon ng bansa noong 2020, mas mababa ng 0.04% o 20,838 noong 2019.

Tumaas naman ng 3.1% ang naitalang 307,764 pumanaw sa bansa noong nakaraang taon kumpara noong 2019.

Ayon sa Ministry of Interior and Safety at mga eksperto, magpapatuloy ang ganoong kalakaran lalo na ngayong may pandemya kung saan nagkaproblema sa trabaho at seguridad sa kita ang mga young adult. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.