Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Namangka patungo sa tagumpay

0 9

Napanaginipan ko po na bumiyahe ako kasama ng kapatid ko patungo sa kabilang subdivision namin, pero imbes na pedicab, ang sinakyan namin is bangka. Parang baha yung tubig sa labas ng subdivision namin pero mababaw lang, doon kami sumakay, pero ang pinagtaka ko ay walang sagwan o motor yung bangka, umaandar kami dahil sa agos ng tubig, tapos yung kalsada ay parang naging kanal na may umaagos na tubig pero mababaw lang talaga. Tapos pagbaba namin wala na ‘yung tubig tapos nagulat ako dahil nakita ko na may gulong yung bangka at kaya rin na umandar lupa. Isa sa pinaka-weird na napanaginipan ko ito kaya gusto ko rin malaman ang ibig sabihin, thanks po.

– Abby

Nangangahulugan ang bangka o kaya ay malaking barko sa ating panaginip na naghahanap tayo ng direksyon sa ating buhay, nagiging simbolo ito bilang behikulo o sasakyan natin patungo sa pagiging buhay natin sa mundo at ng ating motibasyon.

Maaari rin na sign ito na papasok ka sa bagong romantic relationship na mas titibay pa sa pagtagal ng panahon. Kung nasa isang relasyon ka naman ngayon, sinasabi nitoo na may balanse sa inyo ng iyong partner at nasa masayang estado kayo ngayon.

Dahil kilala mo at malapit sa iyong buhay ang taong nakasama mo sa bangka, sinasabi naman nito na may matatag kang ugnayan sa kanya at pagdating naman sa mga problema na pwede mong kaharapin sa iyong buhay, ay lagi kang may nakahandang plano dahil nakikita mo kung ano ang posibleng mangyari.

Sa panaginip mo, tila kalmado lang ang tubig at mababaw ito, kung maliniss din ang tubig sinasabi nito na mayroonng kasaganahan at tagumpay na naghihintay sa iyo at hindi ka rin mahihirapan na makuha ang mga ito ka. Dagdag dito, ang pamamangka sa kalmadong tubig ay nangangahulugan din na mabagal kang magsisimula pero steady at makakarating ka rin sa patutunguhan mo.

Kung plano mo ngayon na magbukas ng bagong negosyo o simulan ang nakaplanong proyekto at magsimula sa bagong relasyon, magiging matagumpay ito pero sai nga mabagal lang ang simula kaya hindi mo agad makikita ang resulta.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.