Una sa Balita

Namamatay na preso sa Cavite, apat na

By
0 250

MULING nadagdagan ang bilang ng namamatay na mga preso sa Cavite matapos na ideklarang patay ang isang 44-anyos na binata sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa report ni SPO1 Elmo Caboboy ng Bacoor City Police Station, dakong alas-sais nang gabi nang nakaramdam ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay kaya agad na isinugod sa Pagamutan ng Dasmarinas subalit idineklarang dead on arrival si Eugenio Catre, binata ng Block D-12 Lot 16, Brgy. San Andres 2, Dasmariñas City, Cavite.

Si Catre ay inaresto at ikinulong sa Dasmariñas Custodial Center noong June 23, 2018 dahil sa paglabag sa RA 7610 (Physical Abuse).

Noong unang linggo ng Agosto, magkakasunod na namatay sa na­sabi ring ospital si Eddie Villas, 30, binata ng Blk 68 Lot 13 Zone 6 Bautista, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite matapos na nakarama­dam ng hirap sa paghinga pero hindi rin nailigtas ng mga doctor.

Si Villas ay nahaharap sa kasog paglabag sa RA 9165.

Nitong August 6, 2018 lamang ikinulong si Freud Calvin, 36, ng Blk. 19 Lot 15 P1 City homes Resort Ville, Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City dahil sa kasong rape with homicide nang makaranas ng pa­nanakit sa ulo at hirap sa paghinga subalit nakalipas lamang ng ilang minuto nang ideklara itong patay.

Huling naitalang namatay si Si Rodolfo Martinez, 74, ng Block 5B Lot 109, Phase 1 Brgy 12 Dasmariñas City, Cavite dahil sa iniindang sakit na Septic Shock Community Acquired Pneunomina, isang high risk na sakit.

Inaresto at nakulong sa Dasmariñas Custodial Center si Martinez noong September 25, 2017 sa kasong Grave Threat in Relation to R.A. 9262.