Una sa Balita

Namamatay na bilanggo sa CALABARZON, umakyat na sa 40

By
0 85

Umaabot na sa 40 ang bilang ng mga namamatay na bilanggo sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Pinakahuli dito ay ang preso na si Willie Creates, 23 taong gulang, na nahaharap sa kasong robbery, nakakulong sa Taytay Municipal Lock Up cell at namatay dahil sa sakit na tuberculosis kamakalawa.

Sa ngayon, 943 bilanggo ang may sakit at karamihan dito ay respiratory ailments at skin diseases dahil overcrowded pa din ang mga lock up cells sa rehiyon.

Hanggang noong June 16, 2017, 5,059 ang nakakulong sa 283 lock up cells sa rehiyon na may kabuuang capacity na 3,455 lamang o 68% overcrowded.

Karamihan sa mga bilanggo ay drug offenders. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy