Una sa Balita

Nalunod sa pagsasalba sa bankang panghanapbuhay

By
0 236

Patay ang isang lalaki matapos malunod nang tangkang isalba ang kanyang bangkang panghanapbuhay sa Lucena City port, Barangay Dalahican, Lucena City kamakalawa.

Kinilala ng Lucena Police ang nasawi na si Serafin Ricafrente, 45-anyos.

Batay sa report ng pulisya, nakawala sa pagkakatali ang bangka dahil sa malakas na agos ng tubig at tinatangay nang palayo sa pantalan.

Sa paghahangad na makuha ang papalayong bangka, tumalon sa may walong piye na lalim ng tubig ang biktima subalit nawala na rin ito sa agos ng tubig.

Makaraan ang ilang oras, nakita na lamang ang wala ng buhay na katawan nito na sumadsad sa breakwater ng nasabing pantalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy