Una sa Balita

Nalunod sa drainage, itinangging tauhan ng Maynilad

By
0 2

Iginiit ng Maynilad na hindi nila tauhan o service provider ang lalaking­ napabalitang nalunod umano sa isang drainage sa Lungsod ng Malabon kamakailan, ayon sa kanila ay nagkakabit umano ito ng ilegal na koneksiyon ng tubig sa loob ng drainage nang maganap ang insidente.

Matatandaang umaga nitong ika-11 ng Hunyo nang maganap ang insidente sa Sangtiangco St., Barangay Catmon kung saan pumasok umano sa loob ng drainage ang biktimang si Arnold Palma, 43, taga-10th Avenue, Caloocan City.

Hindi naging madali ang pag-recover kay Palma dahil kinailangan pang gumamit ng jack hammer ng mga awtoridad kung saan patay na ito nang matagpuan.

Kahapon ay nagpadala ng liham ang pamunuan ng Maynilad at klinaro na hindi umano nila tauhan o service provider ang biktima, wala rin umano silang construction site sa lugar o sirang tubo na kinukumpuni nang maganap ang insidente.