Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naloka mga sekyu: Daniel dinumog ng mga babae sa Ilo-Ilo

0 211

Grabe ang naging karanasan ni Daniel Padilla sa Ilo-Ilo City para sa promo/shoot ng ini-endorse niyang alak.

Kaloka na sa mall na pinuntahan niya, kailangan talaga ang isang batalyon ng mga security guard, dahil may mga fan talaga, lalo na ang mga babae, na talagang sumusugod, nakikipagtulakan sa mga bantay, para lang makalapit kay Daniel, at makapag-selfie o halik, o kamay kaya.

In fairness, magalang naman si Daniel na pinagbibigyan ang mga fan na nakakalusot sa mga guard.

Sabi nga ng mga nakasaksi, nakakaloka na ‘people go crazy over a human’. Na ‘ang suwerte nung babaeng nakalusot’. At ‘grabe ka Daniel, ang lakas ng dating mo sa mga babae’.

Anyway, sa isang video na pinost ni Karla Estrada sa Instagram, makikita na nagmistulang dagat ng mga babae ang isang kalsada na kung saan ay nandoon si Daniel. Nakabibinging tilian ang maririnig mo. May ibang babae na maluha-luha noong masilip pa lang nila ang anino ni Daniel, ha!

“Nag-shoot lang po tayo for Emperador ha! Pero talagang nagmistulang show na ito. Salamat sa pagmamahal sa anak ko! Na-miss ba natin? Love you mga anak!” sabi pa ni Karla.

Sabi nga sa komento, ‘Iba talaga ang karisma ni Daniel, na kahit ako na 63 years old na, gustong-gusto ko siya. Napakasuwerte mo Karla dahil napakabait ng anak mo,” sabi ng isang may edad na fan. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.