Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakulong na guro libreng nagtuturo

0 223

Hindi hadlang sa isang 46-anyos na guro ang kanyang kalagayan matapos itong makulong para mapagpatuloy pa rin ang kanyang sinumpaang propesyon.

Sa ilalim ng ‘Karunungan sa Kulungan’ project, nagagawang magturo ng isang inmate na pinangalanang si ‘Teacher Robert’ para sa kabataan sa pamamagitan ng online class.

Nagsasagawa ng tutorial session ang lisensyadong guro tuwing Linggo habang nakapiit sa San Juan City jail.

Apat na ang estudyante ni Robert sa nasabing tutorial, kung saan ang tinuturuan niya ay mga anak ng kanyang kapwa preso.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa libreng pagtuturo, ayon kay San Juan City Jail Warden Jose Marie Sabeniano ay nagbigay din sila ng mga school supply sa mga bata.

“Iyong sense of purpose nya, nakita nya sa loob ng kulungan. na kahit nakakulong, magagawa pa rin natin makabuluhan ang buhay habang may natutulungan,” lahad ni Sabeniano.

Siniguro din na alinsunod ang tutorial ni Robery sa ilalim ng curriculum ng Department of Education.

Sumasandig ngayon ang mga paaralan sa online learning matapos tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa lalo’t pinagbabawalan pa ang face-to-face class.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.