Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naku talo agad! – Ruffa Annabelle interpreter ni Charissa sa Miss Earth PH

0 51

Naaliw ako sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez nang mag-phone patch sila sa “Anything Goes” show ko for Abante News Online page sa Facebook.

Si Charissa Rama talaga ang guest ko at pinag-usapan namin ang tungkol sa pagsali niya sa Miss Earth Philippines beauty pageant at dahil todo-suporta sa kanya ang tiyahin niyang si Tita Annabelle, siyempre, may pa-surprise message si Bisaya para sa niece.

Sey ni Bisaya kay Charissa, pagdating daw sa Q & A (question and answer) segment ng sinalihang beauty pageant, huwag daw kakabahan si Charissa at intindihing mabuti ang tanong bago sumagot at kailangan ay galing sa puso ng niece ang sagot nito.

Sinabihan din ni Bisaya si Charissa na huwag mahihiya kung hindi man makasagot in English at puwede naman daw magkaroon ng interpreter.

Sey ko kay Bisaya, puwede kaya na siya na lang ang interpreter ni Charissa?

“Naku, huwag ako, mahiya ako sa English. Hahaha!” sey ni Bisaya.

Sabi naman ni Ruffa, huwag daw ang nanay niya ang maging interpreter ng kanyang pinsan at baka talo na kaagad si Charissa.

“Knowing Mommy, baka iba pa ang sabihin niya. Iba ang pag-interpret niya, talo na kaagad si Charissa. Hahaha,” natatawang singit naman ni Ruffa.

Pero, ano nga kaya kung magingh interpreter sa isang beauty pageant si Bisaya? Sa tingin n’yo magkaroon pa kaya ng international beauty title ang Philippines?

Hahaha! Joke!

SM food to go Banner Ad

Kitkat lumuwag ilong sa swab test

Dahil sa dalas mag-guest ng komedyanang si Kitkat sa mga show ng GMA-7, may mga nagtatanong tuloy kung isa na ba siyang certified Kapuso?

Sabi naman ni Kitkay, open naman siyang makapag-guest sa kahit na saang TV network. Hindi naman daw siya exclusive at panay rin ang guest niya sa ABS-CBN.

Sa dalas daw ng guesting niya, sunud-sunod din ang PCR swab test niya, kaya ang luwag na raw ng ilong niya (of course, biro lang ‘yon).

“Hinahanap na nga ng ilong ko ang pagpapa-PCR swab test,” sey niya.

Oo nga pala, isa si Kitkat sa mga artistang aminadong miyembro ng, “Salamat po, Doktor!”

Yes, marami na raw siyang pinaretoke at kung hindi nga lang daw siya natatakot, gusto raw niyang patanggal na ang pinalagay niyang enhancement ng kanyang boobs.

Lately, nagpadagdag daw siya ng baba para maghugis-bigas.

Ang bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.