Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakitulog sa lover, misis pinadampot ni mister

0 198

BINITBIT ng Cavite police ang isang ginang at lover nito matapos na ireklamo ng asawa ng una na nakikitulog na at nakatira sa bahay ng huli sa Tanza, Cavite Martes ng gabi.

Kasong Adultery ang kinakaharap nina Rorie, 43 at Dado, 48, Brgy. Biga, Tanza, Cavite dahil sa reklamo ni Rodelio Mutya y Hernadez, 42, ng Brgy. North Signal, Taguig City.

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario, ng Tanza Police Station, alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang magpasaklolo sa mga Barangay Tanod ng Bgry Biga, Tanza si Rodelio nang nakatanggap ng impormasyon na nakita ang kanyang asawa sa bahay ni Dado.

Nakumpirma ito ng biktima at mga tanod nang madatnan si Rorie sa loob ng bahay ni Dado sa Brgy Biga Tanza, Cavite dahilan upang arestuhin ang dalawa at -i-turn over sa pulisya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.