Una sa Balita

Nakipagtransaksiyon kahit may lockdown, 3 patay sa buy-bust

0 435

SA kabila ng umiiral na Luzon Enhanced Community Quarantine (ECQ), nagawa pang magtulak ng tatlong hinihinalang kalalakihan kabilang ang kilalang drug pusher at ang Top 1 Most Wanted dahil sa kasong 5 counts na rape sa bayan ng Sorsogon, pero napatay nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Isinugod pa sa Bautista Hospital si Ariel Vanta alias “Ayie”, 46, ng Bagong Pook Bgry 48A, Cavite City pero idineklarang dead on arrival habang dead on the spot naman si Rolando Docog, ng Rosario, Cavite at Reynier San Agustin @ Rairai, nasa wastong edad at taga-Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Jumar Bedural, ng Cavite City Police Station, alas-8:05 kamakalawa ng gabi kung saan ipinapatupd na ang curfew sa Brgy 48A ng naturang Lungsod ay nakipagtransaksiyon pa si Vanta sa isang poseur buyer at nagtagpo ang dalawa sa City Public Cemetery.

Nang iabot na ng suspek ang “itinitinda”, dito nagpakilala ang poseur buyer at nang tangkaing arestuhin ay pinaputukan ang huli subalit nagmintis kaya gumanti ng putok ang awtoridad na ikinamatay ng suspek.

Narekober dito ang isang kalibre 9mm, bala at sachet ng hinihinalang shabu.

Si Vanta ay kilalang tulak sa Cavite at nakulong sa BJMP Cavite City noong October 2019 kung saan ibinunyag ng mga kasamahan nito na siya ang pinagkukunan ng mga illegal na droga sa lugar.

Hind rin napigil ng ipinapatupad na curfew sa Rosario Cavite ang paglabas ni Docog at nakipagtransaksiyon ito sa poseur buyer dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa Brgy Muzon 1 Rosario, Cavite.

Nang magkasundo sa transaksiyon sa pagitan ni Docog at poseur buyer ay nagpakilalang awtoridad ang huli subalit imbes na sumuko ang una ay nagbunot ng kanyang kalibre 9mm Glock pistol. Habang nagsalita ng “P-ina niyo, hindi niyo ako mahuhuli” ay nagpaputok ito pero agad na gumanti ang pulis kaya namatay ang suspek. Narekober dito ang baril, tinatayang 1.82 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P32,000, buy bust money at karagdagang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa record ng pulisya, si Docog ay Top 1 Municipal Level Most Wanted Person (MWP) sa Juban, Sorsogon City sa kasong limang (5) counts ng Incest Rape na inisyu ng Fifth Judicial Region Branch 51 Sorsogon City sa ilallim ni Presiding Judge Jose L. Madrid at walang inirekomendang piyansa.

Habang ipinapatupad ang curfew, nakipag-transaksiyon naman si San Agustin sa isang pouser buyer dakong alas-11:20 kamakalawa ng gabi sa NIA Road, Malagasang 1-G Imus City Cavite.

Nang mabuking sa transaksiyon at aarestuhin na ay mabilis na tumakas sakay sa kanyang motorsiklo kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa naabutan ito ng awtoridad subalit imbes na sumuko ay nagbunot ng baril at ipinutok sa awtoridad.

Nagmintis ito kaya gumanti ang kapulisan na kanya ring ikinamatay.

Narekober sa pag-iingat nito ang isang kalibre 38 na baril, bala ng 9mm, Microbike Motorcycle na may side car na kulay pula, sling bag, 24 piraso ng sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias. (Gene Adsuara)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More