Una sa Balita

Nakipagtalo sa lolo, nagbigti

By
0 3

SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Nagawang magpatiwakal ng isang 24-anyos na ginang makaraang makipagtalo sa kanyang lolo noong Biyernes ng gabi sa Purok 6, Brgy. Luyos sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Marlon Cudal, nakilala ang biktima na si Sharlene Villanueva Alcantara na hindi na umabot nang buhay sa district hospital sa Brgy. San Mariano rito.

Dakong alas-6:30 ng gabi noong magkaroon ng pagtatalo si Alcantara sa lolo nitong si Narciso na dahilan para magkulong sa kanyang silid ang una.

Noong dumating ang live-in partner ng biktima ay sarado ang padlock ng silid at hindi umano sumasagot sa kanyang tawag.

Sinilip sa bintana ang loob ng silid at noon natuklasan ang ginawang pagpapatiwakal ng ginang na nagbigti.

Dahil iginiit na walang foul play tumanggi ang mga kaanak na isailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ni Alcantara.