Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakipagtalakan sa mga basher: Jessy inakusahang puro pa-abs, ayaw mabuntis

0 288

Tungkol sa pag-e-exercise ang recent Instagram post ni Jessy Mendiola. At sa kabila ng ang daming kapwa mga celebrity niya ang pumupuri sa katawan ng Misis ni Luis Manzano, tulad na lang ni Pia Wurtzbach na ang comment, “Slaaay Jessy!!,” meron pa rin nag-nega rito.

Para na rin palang si Heart si Jessy ngayon. Inaabangan na rin kung kailan mabubuntis at mabibigyan ng anak si Luis.

Comment kasi ng isang netizen na kinuwestiyon na kaya raw siguro ito nagpapaganda ng abs, dahil ayaw mabuntis.

Hindi ito pinalampas ni Jessy at sinagot na, “porket may abs bawal mabuntis?”

Sabi pa ng isang comment din, “Paano ka magkaka-baby niyan if you always exercise.”

Sinagot pa rin ito ni Jessy na, “iba-iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganoon na din sa iba.”

Sa isang banda, bakit nga ba ang ilang netizens ang may isyu na mabuntis o magkaanak na sina Jessy at Luis kung yung dalawa e, mukhang relax at nag-e-enjoy naman sa pagiging mag-asawa nila. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.