Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakipagpatintero sa multo

0 32

Mga ka-Misteryo, parang come­dy na horror itong karanasan ni Bimbo ng Marikina nang maki­pagpatintero siya sa multo.

‘Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Bimbo ay call center agent sa Pasig at tiyempong inabot siya ng hatinggabi.

Misteryo: “Paano ‘yong sinasabi mong nakipagpatintero ka sa multo. Nakakakita ka ba ng mga multo?”

Bimbo: “Yes pero hindi naman madalas makakita ng multo kadalasan nararamdaman ko sila. Pababa na ako noon sa buildin­g from 21st floor kaya hintay muna ako sa elevator.”

Misteryo: “Patintero paano ‘yon nakipag-hide and seek ka ba? O may iniwasan ka pero hinabol ka?”

Bimbo: “Ayun tama iniwasan ko pero hinabol ako.”

Misteryo: “Pakikuwento mo nga sa akin ‘yong experience mo?”

Bimbo: “So pababa na ako naghintay ako ng elevator then few minutes may nagbukas su­milip muna ako. Walang tao pero may multo nakatayo sa gilid, lalaki. Kaya hindi ako sumakay. Pinalagpas ko.”

Misteryo: “Buti nakita mo ‘yong lalaking multo. Natakot ka ba?”

Bimbo: “Hindi na ako natatakot kasi sanay na din ako sa kanila. Umiiwas lang ako kasi ayaw ko na may katabing multo, makulit kasi mga ‘yan.”

Misteryo: “So anong ginawa mo? Naghihtay ka uli ng elevator?”

Bimbo: “Yes naghintay uli ako then ‘yon kabilang elevator naman nagbukas. Sumilip ako walang tao at walang multo.”

Misteryo: “So sumakay ka na? 21st floor ka pa galing mahaba-habang biyahe pababa ‘yan.”

Bimbo: “Yes pero mas mabilis kasi wala naman ng tao dahil sa pandemic.”

Misteryo: “Anong nangyari habang pababa ka na sakay ng elevator?”

Bimbo: “Heto ang scary para lang siyang movie. Biglang may gumalaw sa tabi ko pero teka ‘di ba dapat nag-iisa lang ako. ‘Yong paggalaw na ‘yon bigla niya ako hinawakan.”

Misteryo: “Nagulat ka? Natakot ka?”

Bimbo: “Nagulat lang at nai­nis pa nga ako eh. Sinabihan ko pa siya ‘wag ako hahawakan. Pero hindi siya nakinig. Nakahawak pa rin. Kaya I decided lumabas muna ng elevator sa 10th floor.”

Misteryo: “Pinalagpas muna siya right then ano ang nangyari?”

Bimbo: “Paglabas ko ng elevator hindi ko namalayan sumama siya sa akin. Kaya ayun naglakad ako papuntang hagdan pero sinundan ako kaya takbo ako para mailigaw siya hanggang sa 8th floor nagdecide ako sumakay sa elevator pagbukas ng elevator nandoon siya.”

Para sa inyong mga karanasan mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.