Una sa Balita

Nakipaglamay, nilalamayan na!

By
0 118

Hindi sukat akalain ng isang 61-anyos na lolo na siya na ang susunod na paglalamayan ng mga kaibigang kasama pang nag-inuman sa pinuntahan nitong lamay ng patay sa bayan ng Malvar, Batangas.

Ito ay matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Danilo De Chavez  y Unera ng Calabite St., Laloma, Quezon City at suspek na si Fredie Santos y Custodio, 40-anyos ng Brgy. San Pedro 2, Malvar, Batangas, sa lamay ng isa nilang kaibigan sa Brgy. San Pedro 2, dakong alas-tres ng madaling-araw kahapon.

Nagawang payapain ng mga kasama ang komprontasyon ng dalawang panig, ngunit sinundan pa rin ng suspek ang pauwing biktima at pinagtataga sa ulo na agad nitong ikinamatay, sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa ospital ang una ngunit deklarado na rin itong dead-on-arrival.

Agad namang nakatakas ang suspek bitbit ang murder weapon at sentro ngayon ng manhunt operation ng Malvar Municipal Police Station.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy