Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakipagbarilang ex-rebel tumba

0 78

PATAY ang isang dating miyembro ng New People’s Army na may kinalaman sa pagbebenta umano ng iligal na droga nang makipagpalitan ng putok sa entrapment operation ng mga otoridad sa Leyte.

Kinilala ni 802nd Infantry Brigade spokesperson Captain Kaharudin Cadil ang namatay na si Nicolas Ibañez o “Botoy”, na sinasabing dating NPA guerilla, at naging aktibo na sa gun-for-hire na aktibidad at iligal na droga.

Sinabi ni Cadil na ang pinagsanib na pwersa ng militar at Philippine National Police ay naghahain noon ng warrant for the arrest sa isang Marlon Mendoza dahil sa kasong frustrated murder – sa Barangay Anislagan sa Calubian.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Mendoza ay nagtatrabaho para kay Ibañez.

Napatay sa bakbakan si Ibañez habang si Mendoza ay nakatakas. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.