Una sa Balita

Nakipag-swap sa kaha ng motor makakasuhan ba?

0 489

Dear Atty. Claire,

Itatanong ko lang po kung masasangkot ba sa kaso ang boyfriend ko nang dahil sa nakipag-swap siya ng parts ng motor fairings po hindi niya naman alam na hulugan ‘yung motor ng kanyang ka-swap tapos ngayon gustong bawiin sa kanya ang kaha dahil makakaso daw ito pag hindi binalik sa dati dahil 3 buwan pa lamang ‘yung motor ng kanyang ka-swap tapos ngayon siya pa ang tinatakot na madadamay daw siya sa kaso dahil ipapabatak ‘yung motor ng kanyang ka-swap.

Ayaw naman makipag­palit ng boyfriend ko dahil wala naman ito sa kanilang usapan ­tapos may nagastos na rin siya pagpaayos nito unang-una hindi naman siya ang may gusto na mag-swap.

Sumang-ayon lamang siya dahil nagka-ideya siya ng bagong set up sa kanyang motor parang ang dating ay kasalanan pa ng boyfriend ko dahil sa kanya raw ‘yung kaha ng motor eh hindi niya naman ‘yun ninakaw.

Ano po ang maaaring ikaso sa kanila madadamay rin po ba ‘yung motor ng boyfriend ko du’n?

Salamat po,
Shiena

Dear Ms. Shiena,

Kung ganyan ang nangyari sa boyfriend mo ay mas makakabuti na ipa-blotter na ng boyfriend mo ang pangyayari dahil isa itong panloloko na ginawa ng kanyang kausap na nakipagpalitan ng motor. Mas mainam na maisumbong na niya sa may mga kapangyarihan (pulis o NBI) ang nangyari dahil kapag hindi ‘yan nabayaran ng ka-swap niya at hindi naipakita ang motor na ipinalit sa kaibigan mo ay baka maialerto iyan na nakarnap at mada­may ang boyfriend mo. Kung sasakali naman na talagang babawaiin ng dealer ng motor ang hindi nabayarang sasakyan ay mahahatak kailangang makuha nila ang buong motor kaya’t mali na matanggal o maibenta o ­mapabigay ang anumang parte nito.

Sa ngayon ay maki­pag-ugnayan na siya sa mga pulis upang makatulong sa kanya na ipahuli itong nanloko sa kanya. Unang-una sana ay naging maingat ang boyfriend mo lalo pa at swapping lang ng parts ng motor ang pinag-usapan nila at hindi man lamang niya inalam ang pinagmulan ng motor kung sa ligal ba iyan nabili o nakarnap lang.

Sa ngayon ay dapat na mabawi na lamang ng boyfriend mo kung ano ba ang kanyang na swap at ibalik ang nakuha nya at mas ­maganda na sa ­barangay kayo magkaroon ng ­swapping muli upang hindi ­madama ang boyfriend mo sa anumang gulo na maaaaring ­masangkutan ng parte ng motor na nai-swap sa kanya.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang SA 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa ­attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy