Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakipag-break sa parking lot

0 110

Anong ibig sabihin kapag ‘yung panaginip ko nakipag-break daw ako sa girlfriend ko. Nakamotor daw kami, ako driver tapos angkas ko siya. Tumigil daw kami sa isang parking na parang sa loob ng mall. Pagkababa niya sabi niya sa akin bigla break na kami tapos ako wala na lang nasabi. Literal kaya ‘to mangyayari sa totoong buhay? Nakakaba kasi. Salamat sa pag notice.

– Kyle

Hindi nga maganda kahit kanino na mapanaginipan ang paghihiwalay sa mahal nila sa buhay, maaaring magdulot ito ng panic at anxiety sa iyo pero ‘wag kang mag-alala dahil kahit may mga pagkakataon na ang ganitong panaginip ay literal na puwedeng mangyari, may mga chance naman na indikasyon lang ito na may problemang kailangan mong bigyan ng atensyon ngayon tungkol sa iyong personal na buhay.

Maaaring sa loob ito ng inyong relasyon tulad na lang ng hindi healty na pattern sa iyong komunikasyon o hindi kaya ay interaksyon sa isa’t isa. Pwedeng masyado kayong nagmamadali na dalhin sa bagong level ang inyong relasyon kaya hindi napipigilan ang masidhing emosyon, kaya maigi na dahan-dahanin ito upang mas lalo ninyong makilala ang isa’t isa. Hindi rin masama na magkaroon kayo ng pag-pause saglit at mag-heart to heart talk maganda man o hindi ang takbo ng inyong pagsasama ngayon.

Tandaan na hindi laging literal ang ganitong panaginip o sinasabing dapat na tapusin nga ang inyong ugnayan, sa halip ay pagtuonan ng atensyon ang iba pang aspekto ng inyong relasyon.

Sinasabi ring maaaring indikasyon ang ganitong panaginip na sinasabi ng iyong subconscious na naiingit ka sa iyong partner. Gusto m na mahigitan ang performance niya at namo-motivate ka na tila talunin siya sa anumang bagay na magdudulot ng pagkawasak ng maganda ninyong tinginan.

Dagdag dito pwedeng red flag din ito mula rin sa iyong subconscious na nagsasabing kailangan mong bigyan ng sapat na atensyon at oras ang iyong partner.

Pagkakataon mo rin ito para i-evaluate ang sarili at seryosohin ang sarili mong nararamdaman, hindi lang para sa iyong girlfriend kundi na rin pati sa iyong sarili. Kaugnay ito sa simbolo ng parking lot sa iyong panaginip.

Ibig sabihin nito, dapat ka ring magkaroon ng personal space at magpunta sa lugar kung saan ka komportable kung kailan mo man ito kailangan, para makapag-recharge at makahanap ng magandang desisyon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.