Una sa Balita

Naki-birthday na city hall employee dinedo

0 377

PATAY ang isang empleyado ng Iloilo City Government Hall matapos pagbabarilin habang nakiki­pag-inuman sa isang birthday party Biyernes nang gabi sa Barangay Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City.

Target ngayon ng Iloilo Police ang pagkakakilanlan ng suspek na naka-bonnet at pinagbabaril sa ulo at katawan si Felix Arjenal Jr.

Base sa imbestigasyon, du­malo sa birthday party ng isang kaibigan ang biktima sa Barangay Tabuc Suba nang biglang pumasok ang suspek at pinagbabaril si Arjenal.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, wala silang kilalang kaaway o nakaalitan ng biktima kaya humihingi sila ng hustisya sa pagkamatay ni Arjenal.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek at malaman ang motibo sa krimen. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy