Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakawan ng bike talamak, 2 timbog

0 167

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 6, alas-3 ng madaling-araw kahapon nang maaresto ang suspek na si Melford Lapura, kitchen staff, ng Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila.

Sa reklamo ni Marvin Capada, cheque representative, taga-Sta. Ana, nasa bahay siya nang marinig ng tahol ng kanilang mga aso at nang tingnan ay nakita niya ang suspek sa kanilang compound habang buhat ang kanyang mountain bike na nagkakahalaga ng P14,000.

Ibinato umano ng suspek sa labas ng compound ang bisikleta at saka mabilis na umakyat sa bakod at sumakay sa bisikleta.

Hinabol ng biktima ang suspek at pagsapit sa A. Francisco St., may mga istambay na tumulong sa biktima hanggang maaresto ang suspek.

Samantala, naaresto rin matapos na mahabol ang suspek na si Norman Ricarte, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, taga-Sta. Ana rin.

Tinangay niya ang mountain bike ng biktimang si Neil Jasper Mahanti, 22, taga-Paco, Maynila, na nagkakahalaga ng P9,000.

Ayon sa biktima, alas-4:30 ng hapon habang nagpapahinga ay nakarinig siya ng ingay sa labas ng kanilang bahay at nang kanyang tingnan ay nakita niya ang suspek na tangay ang kanyang bisikleta.

Hinabol ng biktima ang suspek hanggang sa maabutan at saka dinala sa Barangay 814 bago itinurn-over sa MPD-PS 10.

Kapwa sinampahan ng kasong robbery at theft ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.