Una sa Balita

Nakatulog na NBI employee natangayan ng baril sa taxi

By
0 480

PINAGHAHANAP ngayon ng isang empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dri­ver ng FX taxi na kanyang sinakyan nang naiwan nito ang kanyang service firearm matapos itong nakatulog sa Dasmarinas City, Cavite.

Sa salaysay ni Ricardo Payaoan, 58, ng Block 17 Lot 23 City Homes, Resort Ville, Brgy. Langkaan 2 Dasmariñas City, Cavite kay PO2 Richard Domingo, ng Dasmariñas City Police Station, alas-11:00 kamakalawa nang umaga nang umalis ito sa kanyang tanggapan sa NBI sa Taft Ave., Manila at dumiresto ng Harrison Plaza kung saan doon siya sumakay ng FX taxi pauwi sa kanilang bahay sa Cavite.

Habang binabagtas ng driver ng sinasakyang FX taxi na hindi nito naplakahan ay nakatulog ito dahil sa sobrang pagod dahil 16 oras umano siyang nag-duty sa NBI.

Pagbaba nito sa Don Placido Ave., Brgy. 4, Dasmariñas City, Cavite ay dito lang niya nalaman na nakali­mutan niyang may dala siyang clutch bag na naglalaman ng isang kalibre 38 na baril na nailapag niya sa sasakyan habang siya ay natutulog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy