Una sa Balita

Nakasalamuha si Yap: 20 congressman nag-self quarantine

0 393

Tinatayang 20 miyembro ng Kamara na dumalo sa special session noong Lunes ang isinailalim sa mandatory self-quarantine matapos magpositibo sa coronavirus disease si ACT-CIS Party-list Rep. at House committee on appropriations chair Eric Yap.

“Following protocols, all the members and employees who attended the special session will go on self-quarantine,” saad ni House secretary-general Atty. Jose Luis Montales.

Umabot lang sa 20 kongresista ang pinayagan sa plenaryo ng Kamara sa 18 oras na special session na nagsimula alas-10 ng umaga noong Lunes at nagtapos ng 3:20 ng madaling araw noong Martes, Marso 24 upang pagtibayin ang Bayanihan Act of 2020.

Si Yap ang nagdepensa ng panukala bilang chairman ng committee on appropriations.

Kabilang sa mga dumalo sa special session sina Speaker Alan Peter Cayertano, Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Floor Leader Bienvenido Abante; Deputy Speakers Aurelio “Dong” Gonzales, Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Raneo Abu, at Roberto Puno.

Dumalo rin sa sesyon sina Reps. Precious Castelo (Quezon City), Abraham “Bambol” Tolentino (Cavite), Manny Lopez (Manila), Juan Miguel “Mikey” Arroyo (Pampanga), Antonio “Tonypet” Albano (Isabela), Romeo Jalosjos Jr. (Zamboanga del Norte), Jonathan Sy-Alvarado (Bulacan), Janete Garin (Iloilo City), Bong Suntay (Quezon City), Wilter “Sharky” Palma (Zamboanga Sigubay), Mike Defensor (Anakalusugan Party-list), at France Castro (ACT-Teachers Party-list).

Sumailalim sa swab test si Yap noong Marso 15 at natanggap lamang ang resulta nitong Miyerkoles. (JC Cahinhinan)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More