Una sa Balita

NAKASALALAY KAY KAREN

By
0 2

Game 5 ngayon:
(Smart Araneta ­Coliseum)

6:30 — Ginebra vs. Meralco

Nakakrus ang mga daliri ni Tim Cone at Ginebra para mapagpa­liban ang PBA Governors’ Cup best-of-7 title showdown Game 5 ngayo­n kontra Meralco, gayundin ang liga para naman ­hindi maudlot ang schedule ngayon dahil sa bagyong Karen.

Wala na ngang Greg Slaughter na nagka-ACL sa debut game sa season-ending conference noong Setyembre 9 sa paglambat sa GlobalPort, baka mada­may pa si Japeth Aguilar na nagka-left ankle sprain nu’ng Biyernes ng gabing­ exciting Game 4 na pinagwagian ng Ginebra, 88-86, at humatak sa 2-all deadlock.

Game time decision kung papaglaruin si Aguilar na bumagsak sa isang rebound play sa endgame sa gabing nagsumite ng throwback performances ang ‘The Fast & The Furious’ na sina birthday boy Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa para manalo kahit naiwan ng 16 points tapos ng third.

“He will warm up tomorrow and we will determine his availability at that time,” anang Gin Kings coach, na nakabuwelta sa Game 3 107-103 loss nu’ng ­Miyerkules sa salitan lang sa panalo ng magkabilang kampo sa serye.

Pero pinamo-monitor ni Commissioner Chito­ Narvasa ang  typhoon Karen na malamang ay tumama ngayong araw sa Metro Manila matapos  pumasok na sa bansa­ ­kahapon kaya nagka-signal No. 3 sa mga ­dinaanang Catanduanes at no. 2 sa Camarines Norte at Camarines Sur.

Inalerto na rin ni League media bureau chief Willie Marcial ang mga kinauukulan noon pang Biyernes din ng gabi pagkatapos ng Game 4, na kapag sumama ang panahon sa loob ng 48-oras simula kamakalawa ng gabi, hindi matutuloy ang laro.

“Sunday’s game can and will be cancelled in the event typhoon Karen intensifies,” sabi  ni Marcial, na maghahayag kung kanselado o tuloy ang laban ngayong alas-nuwebe ng umaga. “Please monitor our website @pbaconnect and social media sites for news and updates.”

Hindi naman ito ang kinababahala ng Meralco­ na nanatiling pokus na masambot ang unang ­titulo sa may anim na taong paglalagi sa PBA.

“I’m not really sure what will happen with the weather but we will just stay focused on what we need to do to win Game Five,” giit ni Bolts coach Noman Black.

“The series has been very competitive so we expect another tough game with Ginebra,” hirit­ pa niya. “Being that it’s a best of three I’m sure ­adjustments at this point will be limited and it’s now all about winning.”