Nakaraan ni misis gustong ipadetalye (4)

By

Dear Dr Holmes:  (shortened Messenger conversation from Sat. Nov. 11)

Dear Dr Holmes:  (shortened Messenger conversation from Sat. Nov. 11)Gusto ko lang  po talaga malaman if may nararamdaman pa siya dun sa lalaki lang kasi ‘pag tinatanong ko siya talagang todo iwas siya siguro nga po ayaw na niya pag usapanDok, bakit ayaw niya pag-usapan kung talagang wala na sa kanya.

HaroldDear Harold:

Maraming salamat sa mga mensahe mo na una kong sinagot noong nakaraan­g Martes, Nobyembre 7. Sa huling kolum natin noong nakaraang Sabado, Nobyembre 11, sinabi ko sa iyo na  “Ayon sa aking karanasan bilang sikolohista, maramin­g mga dahilan na ayaw pag-usapan ng tao ang isang nangyari na.”Ang ilang mga posibleng dahilan ay maaaring ang mga sumusunod: 1. Ayaw niyang isipin muli ang nangyari.

HINDI ito dahil mahal pa nila ang dati nilang partner, pero dahil tapos na ito at gusto niyang mag-move on na;2. Ayaw niyang masaktan ang kasalukuyang partner niya (ikaw ‘yun, Harold), dahil mahal na mahal niya ito (ikaw ‘yun, Harold);3. Hindi niya talaga matandaan ang lahat nang nangyari.

Mahirap paniwalaan, alam ko, pero may iilang mga babae na hindi matandaan lahat ng nangyari – lalo na kung maraming mga taon na ang nakalipas.Ayon sa aking karanasan bilang clinical psychologist, mas maraming lalake kaysa babae ang nakakaranas nito. Hindi ko ibig sabihin na nagkukun­wari ang lalake na hindi niya matandaan para hindi siya mabisto o para hindi na pagusapan ang nangyari.

Mayroon talagang mga lalake, gaya ng mga babae, na hindi matandaan ang nangyayari.4. Maaari rin na naniniwala ang babae na, “nangyari na ang nangyari at ayokong pag-usapan.  Ito ay nangyari bago kayo nagkakilala, kaya wala ka talagang karapatang magtanong ang asawa/partner nila. 

Ito ay isang posisyon na hinahawak kadalasan ng mga taong lagi at masyadong kinukulit ng asawa o partner sa mga matagal nang nangyari, hindi makalimutan ng partner, lagi binibintang o dina-down ang partner dahil sa nakaraan, at nakakapagod na talagang pag-usapan ng isa pang beses! Lalo na kung nahalata na ng asawang nagtatanong na naiinis (o na fru-fustrate) na ang partner niya sa walang tigil na pagtatanong kaya ang laging ‘introduction’sa pagtatanong a “last time na ito, promise.

”Hindi ko sinasabi na ikaw ay kagaya ng number 4 na partner, Harold, sinulat ko ‘yan para sa ibang magbabasa na marahil ay nakaka-relate dito.  FINAL INSTALLMENT THIS WEEKSulatan at i-LIKE siya sa Facebook:  http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes

SHARE