Una sa Balita

Nakaraan ni misis gustong ipadetalye (1)

By
0 169

Dear Dr Holmes: (a conversation from messenger)

Magandang Araw po Maám

Ako po si Harold Romero III, taga-Cubao pero OFW po dito sa Abu Dhabi. Gusto ko po sana kumunsulta sa inyo regarding sa relationship namin ng misis ko.

Almost 20 years na po kaming nagsasama. Ang totoo po hindi po ako ang nauna sa misis ko I mean di po ako ang naka-virgin sa kanya nagtangka po kasi ang misis ko na itago ito sa akin.

‘Yung una po ka­ming nag-sex may mens po siya. Bakit po niya tinago sa akin na hindi na siya virgin?

Dear Harold:

Maraming salamat sa mensahe mo. Palagay ko, at sa aking opinyon lamang, tinago niya sa iyo na hindi na siya virgin kasi natatakot siya na baka hindi mo siya maintindihan, tanggapin o baka mo siya iwanan.

Harold: opo tama po nilihim niya po sa akin ‘yun nu’ng sa loob ng 11 years bago kami ikasal inamin niya po naman sa akin after 11 years.

Dra: Puwede ba akong magtanong, Harold?
H: Opo maám

Dra: Salamat, Harold. Totoo bang iiwanan mo siya kung nalaman mo na hindi na siya virgin bago kayo nagpakasal?

H: Hindi ko po kaya kasi po nagkaroon na din po ako ng pagkakataon and relationship with other women pero siya pa din po ang pinili ko.

Ngayon po ang gumugulo sa isip ko gusto ko malaman lahat kung ano po ang nangyari sa kanila gusto ko malaman lahat hanggang sa kaliit-liitang detalye.

Dra: I see… medyo naiintindihan ko… pero Harold, kung ‘gusto mo malaman lahat hanggang sa kaliit-liitang detalye’ hindi ba ito lalong sasakit?

H: Gusto ko po malaman lahat, gusto ko makilala ‘yung babaeng pinakasalan ko. Gusto kong pong malaman sa kanya mismo kung ano nga ba ang nangyari sa kanila gusto ko malaman kung pano sila nag-sex kung nagse-sex pa sila nu’ng naging kami na. Lahat po hanggang sa kaliit-liitang detalye bakit kahit kasal na kami panay pa din ang punta niya sa kanila (kasi po kapitbahay lang nila ‘yung lalaki). Bakit di niya pinapaalam sa akin minsan ‘pag puputa siya sa kanila nalalaman ko na lang sa mga bata. Dalawa na po ang anak naming. Maraming salamat po maám. TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes