Una sa Balita

Nakaraan ni Ai Ai sa iba’t ibang lalaki hinalungkat

0 417

Mga beki rumesbak:

Nag-react ang sikat na photographer na si BJ Pascual sa balitang against ang comedienne na si Ai Ai delas Alas sa same sex marriage.

Sa presscon kasi ng “D’Ninang” ng Regal Entertainment, Inc. ay nasabi ni Ai Ai na ok lang sa kanya na magmahalan ang same sex, pag-ibig daw kasi ‘yon, pero ipinaliwanag niya na nasa Bible na ang babae ay para sa lalaki, ang lalaki ay para sa babae.

Pero nilinaw naman niya na wala siyang against sa pagmamahalan ng same sex at sinabi pang nadaanan niya ang lahat ng ‘yon.

Nabanggit din ni Ai Ai na may gay friend siya na nagpapakasal at naiimbitahan siya, umo-oo siya, pero hindi siya uma-attend dahil hindi siya naniniwala sa ganoon, pero mahal daw niya ang mga ‘yon, kaya nagbibigay pa nga siya ng “pakimkim”.

Tweet ni BJ kalakip ang link ng news article tungkol sa pahayag na ‘yon, “Wait nga, nakailang asawa ka na uli? Diba ayaw din ni God yon? BYE.”

Marami ngang mga tweet ang mga beki na kumukontra kay Ai Ai.

Anyway, may mga nagsasabi naman na maganda ang pagkakasabi ni Ai Ai tungkol sa bagay na ‘yon, kaya hindi sila nagre-react dahil hindi naman sila na-offend, huh!

Miho wala na sa ABS-CBN

Naiinip na ang mga fan ni “PBB” alumna Miho Nishida kung kailan ba magkakaroon ng bagong show o pelikula ang kanilang idolo? Wala na kasi sa ABS-CBN si Miho, kaya “nganga” muna siya.

May pag-asa kayang mapunta sa kabilang network si Miho para naman makapagpatuloy siya sa kanyang TV career?

Ang alam ko, ang new manager niyang si Therese Ramos ay nagse-set na ng meeting kay Roselle Monteverde dahil may contract pa yata sa Regal Entertainment, Inc. si Miho.

Anyway, natuwa ang mga fan ni Miho nang mag-“Tala” dance challenge sila ng anak niyang si Aimi.

Cute na cute ang mga fan sa pagsasayaw ng mag-ina, kaya napakaraming views na ng video na ‘yon.

Teka! Kung uulitin sa “ASAP Natin ‘To” ang pagsasayaw ng “Tala” ni Sarah Geronimo, i-guest din kaya nila sa show si Miho kahit wala na siya sa pangangalaga ng Star Magic?

Well…

Katya inisnab ng mga batang artista

Kasama ang former Viva Hotbabes member na si Katya Santos sa “Make It With You” series ng LizQuen at pinuri niya sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil kahit sobrang sikat ngayon ang nasabing love team ay sobrang bait naman daw ang mga ito.

Ang reel & real sweethearts pa nga raw ang unang bumabati sa kanya. Very humble and simple nga raw ang LizQuen.

Hindi ikinakaila ni Katya na may experience siya sa ibang mga kabataang artista ngayon na may “feeling”. Na dinidedma siya, o dinadaan-daanan na lang.

Enjoy nga raw si Katya sa bagong primetime series ng ABS-CBN dahil sa magandang ugali nina Liza at Enrique.

Bukas na, pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang pilot telecast ng “Make It With You” na kinunan pa sa Croatia sa Europe ang karamihan ng mga eksena.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More