Una sa Balita

Nakamotor tumilapon, nagulungan ng trak

0 327

NABANGGA na, nagulungan pa ng truck ang katawan ng isang 37-anyos na motorcycle rider matapos na tumilapon ang katawan habang papasok sa kanyang trabaho sa Carmona, Cavite kahapon.

Ayon sa pulisya, alas-6:20 nang umaga nang mangyari ang insidente.

Minamaneho umano ng biktimang si Michael Igana ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive, Barangay Cabilang Baybay, Carmona, Cavite hanggang ku­maliwa sa tapat ng AAI company.

Kasunod niya ang Toyota Hiace na minamaneho ni Ernesto Elicot, 43-anyos, na nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para mabangga si Igana at tumilapon.

Sakto namang paparating ang trailer truck na minamaneho ni Michael Manoloto, dahilan para magulungan ang katawan ng biktima.

Isa pang kotse ang nadamay sa insidente nang masagi ang Toyota Hiace.

Ang mga driver ng nasabing sasakyan at kanilang mga sasakyan ay pawang nasa kustodiya na ng Carmona Police. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy