Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakamotor tadtad ng bala sa rebelde

0 161

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Barangay Nadawisan, Cataingan, Masbate.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga bala sa katawan si Rolando Lomotos Jr., 29, taga-Barangay Nadawisan ng nabatid na bayan.

Base sa ulat, isang tawag ang natanggap ng pulisya hinggil sa pamamaslang sa nakamotor na lalaki sa nabatid na barangay at ang mga suspek ay pinaniniwalaang mga rebelde.

Lumalabas sa imbestigasyon na pasado alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang krimen sa Barangay Nadawisan. Matapos ang pananambang ay tumakas na ang mga salarin at iniwang nakabulagta ang biktima.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakakuha sila ng 15 basyong bala ng caliber 5.56 mm na baril at 4 basyong bala mula sa caliber 7.62 mm na baril. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.