Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakamotor na mag-asawa tinumbok ng trak

0 159

NASAWI ang isang ginang na nakaangkas sa motorsiklo habang sugatan ang asawa nito nang tumbukin ng Isuzu truck ang kanilang sinasakyan sa Naic, Cavite.

Isinugod sa San Lorenzo Hospital si Edilberto Mata, 50, at misis nitong si Evelyn Mata, 50, kapwa taga-Balsahan, Naic, Cavite pero idineklarang dead on arrival si Evelyn.

Hawak na ng pulis ang driver ng Isuzu NHR truck na may plakang WQQ na si Emmanuel Miranda, 46, taga-90 Majada, Calamba, Laguna.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Richard Atienza ng Naic Municipal Police Station, nangyari ang aksidente alas-10:00 Martes ng umaga.

Binabagtas ng mag-asawa ang A. Soriano Highway sa Naic sakay ng Suzuki Sky drive kung saan angkas si Evelyn nang banggain ang likurang bahagi ng kanilang motorsiklo ng trak ni Miranda.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-asawa sa kalsada. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.