Una sa Balita

Nakamit na ang hustisya sa Pinay sa freezer — Bello

0 265

“Justice is served!”

Ito ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa naging hatol ng Syrian court sa babaeng employer ng pinaslang na household worker na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait noong Pebrero ng nakaraang taon.

“Kami ay nagagalak sa ulat na nahatulan na ang babaeng employer ni Joanna. Naniniwala kami na nakamit na ang hustisya kaugnay sa pagpatay sa ating kababayang OFW,” wika ni Bello.

“Nagpapasalamat kami sa gobyerno ng Syria dahil naipaabot nila ang hustisya sa biktimang si Joanna at sa kanyang pamilya,” dagdag pa ng kalihim.

Ayon sa ulat, ang employer ni Demafelis na si Sy­rian Mouna Ali Hassoun ay nahatulang guilty ng premeditated murder ng circuit criminal court sa Damascus noong nakaraang buwan. Sa oras na maibigay ang sentensya, si Hassoun ay papatawan ng hindi bababa sa walong taon hanggang sa 15 taong pagkakakulong alinsunod sa penal law ng Syria. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy