Una sa Balita

Nakalaya sa GCTA, asawa tinumba sa Negros Oriental

0 277

PATAY ang isang dating preso na ­nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), at asawa nito matapos silang pagbabarilin ng ­hindi pa kilalang mga suspek sa ­mabundok na bahagi ng Barangay Minaba, ­Bayawan City, Negros Oriental.

Pawang dead on the spot ­matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ­katawan ang ­mag-asawang ­biktimang sina ­Herman ­Escora, 48-anyos, ­magsasaka, na may mga dating ­kasong robbery with ­homicide, ­frustrated murder at ­illegal ­possession of firearms and explosive, at asawa nitong si ­Elvira, 47-anyos.

Sa ulat ng Bayawan City ­Police, naganap ang insidente pasado ­alas-dos ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Minaba ng lungsod na ito.

Nabatid na naglalakad pauwi ang mga biktima galing sa ­piyestahan sa Sitio Canabuan nang bigla na lang silang hintuan ng hindi pa ­kilalang mga suspek armado ng M16 at ­kalibre .45 baril at malapitang ­pagbabarilin ang mag-asawa.

Matapos masigurong patay na ang mga biktima ay saka lang ­umalis ang mga suspek.

Posibleng may kinalaman ­umano sa mga dating kaso ang motibo ng pamamaslang sa mga biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang ­imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pamamaslang. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More