Una sa Balita

‘Nakakasuklam’ na laro pinagpag ni Westbrook

0 312

MASAGWA para kay Russell Westbrook ang inilaro niya noong Game 2.

Bumawi siya sa Game 3, sinigurong hindi mangyayari ang ‘Dame Time’ ni Damian Lillard sa Oklahoma City.

Sa isang play, nagawa pang ilabas ni Westbrook ang kanyang ‘rock the baby’ celebration nang tirahan si Lillard.

Nagsalansan si Westbrook ng 33 points at 11 assists at pinaluhod ng Oklahoma City Thunder ang Portland Trail Blazers, 120-108, Biyernes ng gabi para idikit ang Western Conference playoff series sa 2-1.

Nag-ambag si Paul George ng 22 points, may 18 si Jerami Grant at 17 pa kay Dennis Schroder sa Thunder. Sa OKC muli ang Game 4 sa Lunes (araw sa Manila). (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy