Una sa Balita

‘Nakakapagpabagabag’

0 431

Lahat ng bread winner, haligi ng tahanan, solo parent, head of the family o household leader kahit na nananatili lang sa bahay ngayon ay ‘di pa rin lubos na napapahinga.

‘Di makatulog sa gabi sa kaiisip.

Ang mga bread winner sa mga oras na ito ay may status na complicated na ay feeling confused pa.

Mababaw ang tulog at nakapikit man ay tila may tumatakbo sa kanilang diwa.

Puno ng pangamba. Walang kaliwanagan. Naghahanap ng katiyakan.

Sa pamilya, ang mga bread winner ang pinakaunang apektado sa mga masasamang kaganapan tulad ng CoVid-19.

Ano ang mangyayari sa aking trabaho, paano ang aking maliit na negosyo, paano ang kontrata ko sa abroad?

Kailan matatapos ang expanded community quarantine? Sasapat ba ang aking naipon kung hahaba pa ito? May kakainin pa ba ang pamilya ko?

Nasa talaarawan ko na ang dalawang training na ako ang resource person ngayong Abril ngunit ang desisyon ng kliyente ay gawin na lamang itong online training sa halip na face-to-face.

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko.

Kasabay ng aking awit ay ang pagpapasalamat sa biyaya ng teknolohiya.

Ngayon ay magagamit ko ito para ‘di ma-kansela ang nakatalang training at may papasok pa ring kita sa aming tahanan sa gitna ng banta ng CoVid-19.

Ang mga sakuna, kagipitan, pangyayaring ‘di sinasadya at panganib tulad ng corona virus ay nagdudulot ng pangamba at pagkabalisa.

Taong 1987 pa pina-uso ang katagang “VUCA” world.

Ang ibig sabihin ng VUCA ay Volatility (Pabago-bago), Uncertainty (Kawalan ng Katiyakan), Complexity (Pagkamasalimuot) at Ambiguity (Kalabuan).

Dulot ang VUCA ng kondisyon at sitwasyon na hatid noon ng katatapos na Cold War.

Bagamat noong 2002 lamang ito pinag-usapan ng husto sa larangan ng negosyo at pamamahala.

Ang mga kompanya ay may emergency preparedness, business continuity plan, risk management, disaster recovery system para anomang pagkagambala (disruption) at sa mga ‘di kanais-nais na pangyayari.

Subalit ang VUCA ay ‘di lang tumutukoy sa pangangalakal o gobyerno.

Ang mga tahanan ay dumaranas din ng epekto ng VUCA, ‘di ba?

Sa tahanan, ang mga bread winner ang tumatayo na parang lider ng pamahalaan o may-ari ng negosyo sa kanyang pamilya.

Dapat siguro ang mga pamilya ay magkaroon na ng sariling vision-mission-goals-values statement at strategic plan katulad ng mga pribadong kumpanya o ahensya ng gobyerno para maging handa sa laban sa VUCA.

Ang mga bread winner daw ang dapat manguna sa pagbalangkas nito.

Alam ito ng mga family business at corporation.

Sila ay may sariling family constitution at by-laws na gabay nila para ‘di mawala ang kanilang negosyo kahit pa magkaroon ng mahabang salinlahi o pag-inog ng mundo.

Ang public health crisis na ito ay halimbawa ng pagkasumpungin, pagiging alanganin at pagkasalawahan ng ating mundong ginagalawan.

Panahon na nakakapagpabagabag.

Sa gitna ng krisis na ito, ano ba ang magagawa natin?

Nakaisip ako ng FORMULA KONTRA CORONA para sa pamilya batay sa tatlong e-learning sessions, online programs at lumang training work books na pinagtuunan ko nang pansin nitong Sabado.

Sariling paraan ko ito para labanan ang pagkainip ngayong magtatatlong linggo na na nasa ilalim tayo ang stay at home at physical distancing policy.

Narito ang aking nabuong INFINITY-C, ang WALONG SANDATA LABAN KAY ”VUCA”.

1. CONNECTION (PAGKAKAUGNAY) – Ang pamilya, may krisis man o wala, ay dapat nagkakaisa. Bago pa man dumating ang dagok sa buhay, malakas dapat ang bedrock o foundation ng ating tahanan at ito ay ang komunikasyon. Ang bawat isa ay mahalaga. Kung may kasapi na nasa malayo, ituloy ang ugnayan ng pamilya gamit ang teknolohiya ng internet at social media. Lalo pa’t may banta na, kapit-bisig sa puso’t diwa ang bawat isang kasapi ng tahanan para magapi ang kalaban. “We heal and win as one” ay ang dapat na iisang sigaw.

2. CLARITY (PAG-INTINDI O PAGLILINAW) – Ang kalinawan ay nakakamit sa pamamagitan ng pag-iisa ng personal values, life experiences at natural talents ng bread winner at ng buong pamilya. Ito ay nagsisimula sa investment sa sarili at pamilya para malampasan ang unos. Pumapasok dito ang equipping, enriching, intervention at life-long learning. Knowledge is power. Ligtas ang may alam. Think ahead. Kailangan na maging mulat at alamin kung paano maging resilient na gamit ang mga payak na asal, karanasan at galing.

3. CONTROL (PAMAMAHALA O PAGSUGPO) – Know the who, what and why. Filter. Ang tamang impormasyon at datos ay gawing basehan o measure para kumilos bago at habang nasa gitna ng krisis ang pamilya hatid ng mga sakuna at panganib. Put things in perspective. Be objective and try to be less emotional. Balikan ang personal at family vision-mission-goals and values at ilapat ito sa pag-manage ng sanhi at dulot ng ‘di inaasagang pangyayari.

4. CHOICE (PAGPILI) – Simplify and learn to see the essentials. Decompose the problem and apply appropriate solutions. Ang problema ay biniyak-biyak para mas madaling gawan ng solusyon. Ano ba ang dapat unahin? Focus on things that really matter to you. Isantabi ang ‘di mahahalagang bagay. De-clutter and leave the excess baggage behind. Think positive. Get your act together. Nasa kamay natin at ng ating pamilya ang pagpili ng angkop na paraan para magtagumpay laban sa krisis tulad ng sakit na ito.

5. CREATIVITY (PAGKAMALIKHAIN) –Tinatanggap ba natin ang hamon ng epidemyang ito bilang new normal? Kung gayon, binago rin ba natin ang mindset? Are we dynamic enough to face the challenge? Ang quarantine economy ay nagdala ng mga bago sa buhay natin at sa ating pamilya. Work from home, on-line learning, improvised and fashionable personal protective equipment, mobile palengke, tinapay na gawa sa imahe ng COVID-19, at iba pa. Isipin kung paano magiging crisis-free at future-proof ang breadwinner, tahanan, pamilya, ang trabaho o maliit na negosyo.

6. CHANGE (PAGBABAGO) – Break the old habits and reset the button. Fast forward to desired state. Ito ang panahon ng growth mindset zone na better version ng status quo zone. Ang mga kakulangan at kamalian na nakagisnan at nakasanayan ay maaari pang baguhin. Ang magandang resulta nito ay pagpapanibago (renewal) at transformation (pagbabagong-anyo). Ano ang nais nating pagbabago sa kasalukuyan patungo sa hinaharap? Paano natin titignan ang pagbabago dahil sa COVID-19, isa ba itong reward o risk sa ating buhay at kasalukuyang panahon?

7. CHEERFULNESS (PAGKAMASAYAHIN) – ito ay kakayahan na maging positibo at hikayatin ang mga miyembro ng pamilya para malampasan ang problema. Di ito ang panahon para maging malungkot o manghina. Magiging sagabal ito sa pagkakaroon ng tamang pananaw at sa paningin ng kapamilya. Pangibabawin ang joy (kasiyahan at pagdiriwang) at gratefulness (pagiging mapagpasalamat) sa lahat ng tagumpay na nakamit lalo na’t ang ating pagkakagapi ng salot o peste sa ating buhay.

8. COMPASSION (PAGMAMALASAKIT O PAKIKIRAMAY) – Ang tunay na malasakit ay nagbubunga

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More